Wednesday, July 1, 2015

MATABA

Noong 2013, may fun run kaming sinalihan ni misis.
image from: picslist.com/

May isang taon na kaming engaged sa long distance at trail running noon.

Pagkatapos ng limang kilometrong takbuhan, nagpakuha kami ng Body Mass Index (BMI) namin (libre naman).

Doon ko nalaman na batay sa BMI ko, konti na lang ay overweight na raw ako relative sa age ko.

Kaya pala noong mga panahong iyon pakiramdam ko parang ang bigat-bigat ko.

Noong sinuri ko ang sarili ko. Malaki na nga ako!

Minsan biniro ako ng asawa ng pinsan ko, ang laki ko na raw.

Na-shock ako.

Lalo ko pang napagtibay ang pabirong komento na iyon nang tingnan ko ang  mga pantalon at damit na sinusuot ko.

Totoo nga!

Ang mga damit na sinusuot ko dati na maluwag ay humahakab na sa katawan ko!

May isang pants nga ako na dahil masikip na, hindi ko na binubutones kasi may sinturon naman ako.

Tawa lang kayo... Pero totoo iyon. Naranasan ko iyon.

Bukod pa riyan. May mga damit din ako na hakab na sa katawan ko kaya may pagkakataong para akong suman sa suot ko.

Nagdesisyon ako: Dapat kong bawasan ang timbang ko.

Sabi ko, ayoko mapasama sa statistics ng National Nutition Council (NNC) na dumarami ang Pinoy na sobra na sa timbang.

Sabi sa news article sa Philstar.com ngayon lang, 30% ng Pinoy ngayon ang obese and overweight.

Bakit?

Ang pagkakaroon ng labis na timbang ay nagpapalaki ng tsansa na magkaroon tayo ng iba't ibang sakit.

Walang masama sa mga tabang nakikita ng mga mata (visible fats). ang nakapagdudulot ng sakit ay yaong bumabalot sa internal organs natin.

Visceral fats ang tawag doon.

Ito ang tabang bumabalot sa ating puso, atay, at iba pa.

Kaya kung medyo uncomfortable na kayo sa midsection ninyo, sa palagay ko dapat kayong mag-isip kung anong daratnan ninyo sa kinabukasan.

Naaapektuhan ng visceral fats ang maayos na paggana ng mga internal organs natin na siyang dahilan ng ating pagkakasakit at mas malala baka mas mapaaga nating makilala si San Pedro.

Kaya naghanap ako ng mga impormasyon para alamin kung paano ko mababawasan ang timbang ko.

Hindi ako naghanap ng ‘weight loss wonder pill'.

Wala iyon sa mga pagpipilian ko.

Ang tanong na kailangan kong masagot noong mga panahong iyon, sapat pa ang cardiovascular exercise tulad ng pagtakbo para magbawas ng timbang?



Sa susunod na post, nakahanap ako ng pormula at ako'y nagtagumpay.

No comments:

Post a Comment