Pinoy: Anak, mag-aral kang mabuti para kapag nakatapos ka, makahanap ka ng magandang trabaho na may magandang sweldo.
Tsino: Anak, ikaw aral mabuti. Para 'pag ikaw graduate na, ikaw patakbo atin negosyo.
Napakapamilyar ng unang payo, ano? Kumbaga, gasgas na. Hindi lang kasi sa bahay natin narinig iyan, pati sa eskwelahan. Hindi ba't halos lahat ng mga titser natin iyan din ang pangaral sa atin?
Anong aral ang makukuha natin? Magkaiba ang paghuhubog sa kaisipan at karakter ng dalawang magkaibang lahi: ang Pinoy nagkakasya sa pagiging empleyado dahil ito ang nakintal sa kanyang isip mula pagkabata habang ang anak ng isang Tsino ay mahuhubog bilang isang negosyante na mag-eempleyo sa ga Pinoy na mamamasukan sa kanyang negosyo.
OUCH ba? Sakit ng realization hindi ba? Reality bites 'ika nga.
![]() |
image from http://mashable.com/category/job-applications/ |
Kung hindi ka pa rin kumbinsido, tanungin ko kayo. Ano ang depinisyon ng JOB para sa inyo?
Ang sagot: isang kaayusan kung saan ang isang iniatas na gawain ay binabayaran batay sa napagkasunduang halaga.
Hindi ba ganoon naman talaga mailalarawan ang kalagyan nating mga empleyado? Pumasok tayo sa kaayusang babayaran tayo ng mga employer natin batay sa presyong napagkasunduan. Siyempre, sasabihin natin, hindi naman kami nagtawaran tungkol sa sasahurin e. Oo nga! Pero tinanggap mo iyong kaayusan na iyon. Kaya kung hindi ka nagtanong o pumalag dahil ang tatanggapin mong sweldo ay batay sa itinakda ni boss, wala kang dahilan para singilin siya, sumang-ayon ka doon, e. Dahil sa simula may pagkakataon kang magtanong na magsisilbing dahilan mo para tanggapin o tanggihan ang papasukin mong kaayusan.
Pero wala akong sinasabing wala kayong karapatang magreklamo. ang sinasabi ko, Wala kayong dahilan para singilin ang may-ari kung hindi sapat ang ibinabayad sa inyo dahil sumang-ayon kayo sa simula. Ang pagrereklamo naman ay bukas iyan para sa lahat na umaasa para mabago ang sitwasyon. Kaya kung walang magrereklamo, walang maitatama sa sitwasyon. Mananatili ang kaayusang umiiral.
Ito ang kalagayan nang kalakhan sa mg Pinoy ngayon. Kahit ang mga nasa ibang bansa, iisa ang deskripsyon, nangangamuhan tayo.
Pero kung sa tingin ninyo, sapat na ang pagkakaroon ng trabaho o job sa ingles, mag-isip muna tayo ng makailang ulit. Bakit?
Simple lang kasi ang deskripsyon ni Robert Kiyosaki sa JOB: J-ust O-ver B-roke!
'Sakto 'di ba? ang pagkakaiba lang natin sa mga tambay o walang trabaho ay may regular tayong tinatanggap buwan-buwan o every 15 days o anumang kaayusan sa pasahod nating mga may trabaho.
Kaya, kapag nawalan tayo ng trabaho, isa lang din ang tawag sa atin: TAMBAY. BROKE! Nganga! Kahit pa sabihin na may malaki tayong naitabi sa bangko habang nagtatrabaho tayo, eventually mauubos din iyan dahil sa mga gastusin.
Kaya, hindi sapat ang pagkakaroon ng trabaho dahil wala kang kontrol dito. Anong solusyon?
Maghanap ng isa pang trabaho? Errrr.... pinatay mo na ang sarili mo, tinanggalan mo pa ng oras ang pamilya mo sa iyo.
Magnegosyo! Ito ang solusyon para magkaroon tayo ng sense of security sa kinikita natin. Ang mga ninuno nga natin nag-engae sa barter trade tayo pa kayang mga modernong Pinoy ang matakot o hindi magnegosyo?
Ngayon higit sa lahat ang panahon para balikan o i-trace ang pinagsimulan ng lahing Pinoy! Nalilimutan na kasi natin at nade-degrade natin ang lahin natin consciously and/or unconsciously.
Kaya simulan nang baguhin ang mindset...! Inaanyayahan ko rin kayo na gumawa ng mga pansariling research kaugnay sa bagay na ito. Maraming materials at successful stories tungkol sa karanasan ng pagnenegosyo ng mga Pinoy. At ang unang requirement: Have an Open Mind! kasi kung sarado ang isip: walang paraan para makaunawa kaya WASTE OF TIME lang.
No comments:
Post a Comment